Sabado, Nobyembre 12, 2016

Mensahe ng Butil ng Kape - Repleksyon

          Ang kwentong Mensahe ng Butil ng Kape ay may ibat ibang mensahe tungkol sa buhay. Hindi lamang ito umiikot sa mensahe ng butil ng kape sa ating buhay. Ang mga mensahe dito ay maaaring kwento ng ating buhay at maaari rin namang hindi. Ngunit maaari nating gawing batayan ito upang mas maging maganda an gang ating buhay.
          Ang carrot at itlog sinasabing malambot at matigas, mahina at malakas. Sa buhay may mga pagkakataong tayo ay mahina may pagkakataon din namang tayo ay malakas. Ngunit nasa atin rin kung paano natin tatanggapin ang realidad ng buhay na ito. Maaaring tayo ay mahina pero kaya rin nating bumangon sa sarili natin at maging malakas.
          Ang butil ng kape na natunaw sa kumukulong tubig at nagbigay ng kakaibang kulay rito. Madilim ngunit may angking gandang kulay. Parang ang buhay na hindi maaaring payak lamang katulad ng tubig. Tanging tayo lamang ang makapagbabago o makapagbibigay ng kulay sa ating buhay kung ito ay gugustuhin natin.
           Dito natutunan kong sa bawat pagsubok sa buhay hindi dapat tayo basta sumuko. Harapin natin ng may laban ang mga pagsubok na ito at huwag magreklamo. Lumaban ng may tapang at huwag basta basta magpapadala sa mga pagsubok na ito. At katulad ng butil ng kape bigyang kulay at gawing makabuluhan ang buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento