Isang
araw isang anak na lalaki ang nagmamaktol tungkol sa hirap at pagod na
nararanasan niya sa pagsama sa kanyang ama sa pagsasaka. At ang pagmamaktol na
ito ng lalaki ay naririnig ng kanyang ama. Kaya naman tinawag ng ama ang
kanyang anak at nagtungo sila sa kusina. Dito ay nagsalang ng tatlong palayok
na may lamang tubig ang ama. Hindi nagtagal ay kumulo din ang tubig sa palayok.
Sa unang palayok ay inilagay ng ama ang mga carrot. Sa pangalawa namang palayok
ay ang mga itlog. At sa pangatlong palayok ay ang mga butil ng kape.
Tinanong
ng ama ang kanyang anak kung ano ang maaaring mangyari sa mga ito. Ngunit ang
tanging isinagot lamang ng anak ay ang maluluto ang mga ito. At ng maluto nga
ang mga ito ay tinanong ulit siya ng kanyang ama kung ano ang napuna nya sa mga
ito. Napansin niyang ang carrot ay lumambot, nang mabalatan ang itlog tumigas
ito at ang mga butil ng kape ay natunaw naman.
Ipinaliwanag
ng ama na ang tatlong inilagay sa palayok ay may magkakaibang reaksyon. Ang
carrot na matigas matapos mailagay sa kumukulong tubig ay naging malambot. Ang
itlog na may manipis na balat ay naging matigas. At ang butil ng kape naman ay
natunaw. Pagkasabi nito ay muling tinanong ng ama ang anak kung alin siya sa
tatlo. Kung ang carrot na matapang ngunit nagiging alambot din. Ang itlog na
may malambot na puso ngunit may matigas ding kalooban. O ang kape na syang
nagbigay kulay at bango sa kumukulong tubig.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento