Ang kwentong Mensahe ng Butil ng Kape
ay may ibat ibang mensahe tungkol sa buhay. Hindi lamang ito umiikot sa mensahe
ng butil ng kape sa ating buhay. Ang mga mensahe dito ay maaaring kwento ng ating
buhay at maaari rin namang hindi. Ngunit maaari nating gawing batayan ito upang
mas maging maganda an gang ating buhay.
Ang carrot at itlog sinasabing malambot
at matigas, mahina at malakas. Sa buhay may mga pagkakataong tayo ay mahina may
pagkakataon din namang tayo ay malakas. Ngunit nasa atin rin kung paano natin
tatanggapin ang realidad ng buhay na ito. Maaaring tayo ay mahina pero kaya rin
nating bumangon sa sarili natin at maging malakas.
Ang butil ng kape na natunaw sa
kumukulong tubig at nagbigay ng kakaibang kulay rito. Madilim ngunit may
angking gandang kulay. Parang ang buhay na hindi maaaring payak lamang katulad
ng tubig. Tanging tayo lamang ang makapagbabago o makapagbibigay ng kulay sa
ating buhay kung ito ay gugustuhin natin.
Dito natutunan kong sa bawat pagsubok sa buhay
hindi dapat tayo basta sumuko. Harapin natin ng may laban ang mga pagsubok na
ito at huwag magreklamo. Lumaban ng may tapang at huwag basta basta magpapadala
sa mga pagsubok na ito. At katulad ng butil ng kape bigyang kulay at gawing
makabuluhan ang buhay.